Tawbuwid Mangyán
Tawbuwid Mangyán
Ang Tawbuwid Mangyán ay ang wika ng grupong Mangyan na naninirahan sa ilang sityo sa baybayin ng Sablayan at Calintaan sa lalawigan ng Occidental Mindoro; at sa mga bayan ng Pinamalayan at Gloria sa lalawigan ng Oriental Mindoro. Kilala sa iba’t ibang katawagan ang grupong ito ng mga Mangyan: Tawbuwid Mangyán kung tawagin ng grupo ang kanilang sarili; Batangan naman kung tawagin sila ng ibang grupong Mangyan; at Bukid, Bu-id, at Buhil naman kung tawagin sila ng mga tagalabas.
Mayroong dalawang grupo ng mga Tawbuwid Mangyán: ang mga Bayanan at Saragan. Tinatawag din sa mga pangalang ito ang mga varayti ng Tawbuwid Mangyán na sinasalita ng bawat grupo.
Bagaman Tawbuwid Mangyán ang unang wikang natututuhan ng grupo, marami na rin sa kanila ang marunong ng Filipíno at Ingles dahil sa edukasyon at eksposyur sa midya.*
*datos mula sa isinagawang dokumentasyon ng KWF noong 2018
Pangalan ng Wika | Tawbuwid Mangyán |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Batángan, Búkid, Bú-id, Búhil |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Tawbuwid Mangyán |
Sigla ng Wika | Di-ligtas (Salik 1) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, South Mangyan |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 5,929 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 1,213 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon |
Brgy. Burgos at Brgy. Ligaya sa Sablayan, Occidental Mindoro Brgy. Poypoy at Brgy. Malpalon sa Calintaan, Occidental Mindoro Pinamalayan at Gloria sa Oriental Mindoro |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses