Tagakawló

Tagakawló

          Ang Tagakawló ay ang wika ng mga katutubong Tagakawló na naninirahan sa Malungon at Alabel sa lalawigan ng Sarangani.

          Tagakawló ang kadalasang unang wikang natututuhan ng mga katutubong Tagakawló bagaman may ilan na hindi na natuto nito dahil sa intermarriage o pakikipag-asawa ng mga katutubo sa mga dayo o sa mga miyembro ng ibang pangkating etniko tulad ng Hiligaynón, Sebwáno, at Tagálog. Dahil dito, marami na sa mga Tagakawló ang nakapagsasalita rin ng wika ng mga nasabing grupo. Ang mga Tagakawló sa bayan ng Malungon, na kasámang naninirahan ng grupo ng mga Bláan, ay natuto na rin ng wikang Bláan.

Pangalan ng Wika Tagakawló
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Tagakaoló, Tagakauló
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Tagakawló
Sigla ng Wika Ligtas (Salik 3) 
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Central Philippine, Mansakan, Western
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 152,604 (PSA 2020 Census of Population and Housing
 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika   23, 578 (PSA 2020 Census of Population and Housing
Lokasyon

Malalag sa Davao del Sur 

Malita at Santa Maria sa Davao Occidental  

Brgy. Nagpan, Brgy. Malalag Cogon, Brgy. Poblacion, Brgy. Banaha, Brgy. Tamban, Brgy. Malandag, Brgy. Datal Tampal, Brgy. Atlae, Brgy. Kiblat, Brgy. Malabod, Brgy. Alkikan, Brgy. B’laan, Brgy. Datal Bila, Brgy. Datal Batong, Brgy. Ampon, Brgy. Lutay, Brgy. Lower Mainit, Brgy. San Roque, Brgy. San Miguel, Brgy. Panamin, Brgy. San Juan, Brgy. Kinabalan, Brgy. Talus, Brgy. Banate, Brgy. J.P. Laurel, Brgy. Malungon Gamay, Brgy. Kawayan, Brgy. Upper Lumabat, Brgy. Kibala, at Brgy. Upper Biangan sa Malungon, Sarangani  

Brgy. Domolok, Brgy. Datal Anggas, Brgy. Alegria, Brgy. Paraiso, Brgy. Tokawal, Brgy. Baluntay, Brgy. Bagacay, Brgy. Maribulan, Brgy. Poblacion, Brgy. Pag-asa, at Brgy. Spring sa Alabel, Sarangani

Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses