Tagabulós
Tagabulós
Ang Tagabulós ay ang wika ng mga katutubong Agta sa lalawigan ng Aurora, partikular sa mga barangay ng Dibut, Jotorin, Dicapinisan, at Dimanayat sa bayan ng San Luis; at sa mga barangay Matawe at Omiray sa bayan ng Dingalan. May mangilan-ngilan ding nagsasalita ng wikang ito sa Infanta, Quezon.
Bukod sa Tagabulós, nakaiintindi at nakapagsasalita rin ang mga katutubo ng Tagálog na rehiyonal na wika sa Aurora. May iba rin na marunong ng Ilokáno. Natututuhan na rin nilá ang Filipíno at Inglés na ginagamit na mga wikang panturo sa paaralan.
Pangalan ng Wika | Tagabulós |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Tagabulós Agtâ |
Sigla ng Wika | Matinding nanganganib (Salik 3) |
Klasipikasyon | Austronesian, Malayo-Polynesian, Hilagang Pilipínas, Kordilyéra, Dumágat, Tagabulós |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | Nothern Luzon, Northern Cordilleran, Northeastern Luzon |
Populasyon | 129 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 430 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon |
Brgy. Dibut, Brgy. Dikapinisan, Sityo Diotorin, Brgy. Dibayabay; at Brgy. Dimanayat sa San Luis, Aurora Brgy. Cabog (Matawe) at Brgy. Umiray sa Dingalan, Aurora |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses