Tagabawá
Tagabawá
Tagabawá ang tawag sa wika ng mga katutubong Bagóbo Tagabawá na naninirahan sa mga ligid ng Bundok Apo at sa mga gilid ng Ilog Lipadas, Ilog Matanao, Ilog Bulatukan, at Ilog Saguing sa Davao. Matatagpuan silá partikular sa mga barangay ng Toril, Marilog, Baguio, Calinan, at Tugbok sa Lungsod Davao; sa bayan ng Santa Cruz, Digos, Bansalan, at Sibulan sa Davao del Sur; at sa Lungsod Kidapawan, Cotabato.
Binisayâng Mindanáw ang rehiyonal na wika sa mga lugar na nabanggit kayâ bukod sa wikang Tagabawá ay marunong din nitó ang mga Bagóbo Tagabawá.
Pangalan ng Wika | Tagabawá |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Tagabáwa Bagóbo, Tagabáwa Manóbo |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Tagabawá Bagóbo |
Sigla ng Wika | Di-ligtas (Salik 3) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Manobo, South |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 13,878 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 1,625 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon |
Brgy. Marilog, Brgy. Baguio, Brgy. Calinan Poblacion, Brgy. Tugbok Poblacion, at Brgy. Toril sa Lungsod Davao, Davao del Sur Sta. Cruz, Lungsod Digos, at Bansalan sa Davao del Sur Makilala at Lungsod Kidapawan sa Cotabato |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses