Tadyáwan Mangyán

Tadyáwan Mangyán

          Tadyáwan Mangyán ang tawag sa wika ng grupo ng mga Tadyawan Mangyan na naninirahan sa mga bayan ng Gloria, Naujan, Pinamalayan, Pola, Socorro, at Victoria sa lalawigan ng Oriental Mindoro. Tinatawag din ng grupo ang kanilang sarili na Balaban habang kilalá naman sila ng mga tagalabas sa tawag na Pula o Tadyanan.

          Bukod sa kanilang katutubong wika, nakapagsasalita rin ang mga Tadyawan Mangyan ng wika ng mga karatig-grupo sa labas ng kanilang komunidad. Nakapagsasalita rin sila ng Filipino at Ingles na ginagamit na wikang panturo sa paaralan.

Pangalan ng Wika Tadyáwan Mangyán
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Balában, Pulá, Tadiánan
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Tadyáwan Mangyán
Sigla ng Wika Tiyak na nanganganib (Salik 3)
Klasipikasyon North Mangyan
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 8,229 (PSA 2020 Census of Population and Housing
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit sa Wika  839 (PSA 2020 Census of Population and Housing
Lokasyon Naujan, Victoria, Socorro, Gloria, Pola, at Pinamalayan, Oriental Mindoro
Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses