Subanën

Subánën

          Ang Subánën ay ang wikang sinasalita ng mga katutubong Subánën sa lalawigan ng Zamboanga del Norte, partikular sa mga bayan ng Katipunan, Sindangan, Siocon, Sirawai, Dipolog, Manukan, Titay, Ipil, Labason, Sibuco, Salug, Kalawit, Tampilisan, Gutalac, Tungawan, Siayan, Manuel Roxas, at Osmeña; gayundin sa ilang bahagi ng Zamboanga, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur, at Misamis Occidental.

          Subánën ang unang wikang natututuhan ng mga batàng Subánën. Sa kanilang paglaki ay natututuhan din nilá ang Hiligaynón at Binisayâng Mindanáw na mga rehiyonal na wika sa kanilang lugar. Pagtuntong sa paaralan, nagsisimula naman siláng matuto ng Filipíno at Inglés na mga wikang panturo.

 

Pangalan ng Wika Subanën
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Subánon, Sinubánon, Sinubánën, Subánun 
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Subanën, Subanon
Sigla ng Wika Di-Ligtas (Salik 3)
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Subanon
Mga Kilalang Wikain (dialects) Ginselugnén, Lapuyan, Sindangan, Sioco, Tuboy-Salog
Populasyon 758,499 (PSA 2020 Census of Population and Housing) 
 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika  49,902 (PSA 2020 Census of Population and Housing) 
Lokasyon

Don Victoriano Chiongban, Misamis Occidental

Sindangan; Siocon, Brgy. Linay at Brgy. Pangandao sa bayan ng Manukan, Manuel A. Roxas, Polanco, at Jose Dalman (Ponot); Zamboanga del Norte 

Aurora; Bayog; Dimataling; Dinas; Dumalinao; Dumingag; Kumalarang; Labangan; Lapuyan; Mahayag; Margosatubig; Midsalip; Molave; Zamboanga del Sur

Alicia;  Buug; Kabasalan; Imelda;  Ipil; Mabuhay; Malangas; Naga; Payao; Roseller Lim; Siay; Titay; Tungawan; Zamboanga Sibugay

Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses