Sangirë

Sangirë

          Sangirë ang tawag sa wika ng mga Sângil na naninirahan sa tatlong pangunahing bayan sa baybáyin ng Davao del Sur (Jose Abad Santos); hilagang-silangan ng Sarangani (Isla ng Balut); at sa mga baybayin ng Timog Cotabato. Kilalá rin ang mga Sángil sa mga pangalang Sangirë at Sánggil.

          Bukod sa sariling katutubong wika, marunong din ng Sebwáno ang mga Sángil. Ang mga nakatuntong sa paaralan ay nakauunawa at nakapagsasalita ng Filipíno at Inglés.

Pangalan ng Wika Sangirë̂
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Sangíl, Sangír
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Sangíl
Sigla ng Wika Di-ligtas (Salik 3) 
Klasipikasyon Sangiric, Northern
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 20,229 (PSA 2020 Census of Population and Housing)
 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika   3,813 (PSA 2020 Census of Population and Housing) 
Lokasyon

Brgy. Balangonan, Brgy. Bukid, Brgy. Camalian, at Brgy. Sugal sa Jose Abad Santos (Trinidad), Davao Occidental

Brgy. Pangyan, Glan, Sarangani   

bayan ng Kiamba, Maasim, Malungon, at Maitum sa lalawigan ng Sarangani(dulong timog) ng Balut Island at Sarangani Island  sa Sarangani, Davao, Occidental

Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses