Sambál

Sambál

          Sambál ang tawag sa wika ng grupong Sambál na matatagpuan sa kanlurang baybayin ng Gitnang Luzon at bahagi ng gitnang kapatagan ng Luzon, at sa ilang bayan sa lalawigan ng Zambales.

          Ang wikang Sambál ay mas gamitín ng mga nakatatandang miyembro ng komunidad kaysa ng mga nakababatang henerasyon. Gayumpaman, natututuhan na ito ng kabataang Sambál dahil ginagamit na itong wikang panturo sa mga paaralan kasabay ng mga wikang Filipíno at Inglés.

Pangalan ng Wika Sambál
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Sambáli, Sambál Tína
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Sambál
Sigla ng Wika Ligtas (Salik 3)
Klasipikasyon Central Luzon, Sambalic
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 45,703 (PSA 2020 Census of Population and Housing) 
 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika  10,049 (PSA 2020 Census of Population and Housing
Lokasyon

Botolan, Iba, Palauig, Masinloc, Candelaria, at Sta. Cruz sa Zambales
Brgy. Villar, Botolan, Zambales
Sityo Kakilingan, Brgy. Sta. Fe sa San Marcelino, Zambales
ilang baryo sa katimugang bahagi ng Infanta, Pangasinan

Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses