Rinkonada
Rinkonáda
Rinkonáda ang tawag sa wikang sinasalita sa mga bayan ng Bato, Nabua, Bula, Bulatan, Baao, at Lungsod Iriga sa lalawigan ng Camarines Sur. Kilalá rin ito sa tawag na Bíkol Iríga at Bíkol Rinkonáda.
Mataas ang pagtingin ng mga taga-Rinkonada sa kanilang wika. Ito ang kanilang unang wikang natutuhan, kasunod ang Bíkol na wikang panrehiyon sa Bicol. Natutuhan din nila ang Filipino at Ingles mula sa paaralan at sa eksposyur sa midya.
Pangalan ng Wika | Rinkonáda |
Iba pang tawag sa wika (alternate names) | Bíkol Rinconáda |
Pangkat na gumagamit ng wika | Bikoláno, Rinkonáda |
Sigla ng Wika | Ligtas (Salik 3) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippines, Central Philippine, Bikol, Inland |
Mga kilalang wikain (dialects) | |
Populasyon | 418,407 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 102,050 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon | Baao, Balatan, Bato, Bula, Nabua, at Lungsod Iriga sa Camarines Sur |
Sistema ng Pagsulat | Titik/Alpabetong Romano |
Iba pang talâ | Bikol ang ginagamit sa simbahan at sa pagsulat ng mga dokumento o mga talâ sa pagpupulong ng iba’t ibang samahan sa Rinkonada |
Responses