Pánnon

Pánnon

          Pánnon ang tawag sa wika ng mga Agtâ Ilabin na naninirahan sa gitnang bahagi ng Cagayan, partikular sa mga bayan ng Amulung, Buguey, Gattaran, Gonzaga, Lallo, Peñablanca, Santa Ana, at Santa Teresita. Bagaman sa bayan ng Gattaran matatagpuan ang pinakamalaking bílang ng mga Agtâ Ilabin, sinasalita rin ito sa bayan ng Dingalan sa Isabela.

          May siyam na diyalekto ang wikang Pánnon: Ali, Egaton, Elodan,Kuga, Magtenap, Napnon, Pánnon, Pebat, at Se-esi. Sinasalita ang lahat ng diyalekto sa mga bayang nabanggit bagaman may mga diyalektong mas gamitín kaysa iba. Halimbawa, pinakagamitin ang Pánnon Napnon, at Se-esi: batà man o matanda ay nakaiintindi at nakapagsasalita ng mga diyalektong ito. Ang Elodan at Egaton naman ay mga diyalektong halos nakatatandang henerasyon na lámang ang gumagamit.

          Bukod sa mga varayti ng wikang Pánnon, nakapagsasalita rin ng wika ng mga karatig-grupo na Ibanág, Itáwit, Ilokáno, at Bíkol ang mga Agtâ Ilabin.

Pangalan ng Wika Pánnon
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Agtâ Ilabin, Agtâ Central Cagayan
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Agtâ Ilabín
Sigla ng Wika Matinding nanganganib (Salik 3) 
Klasipikasyon Northern Luzon, Northern Cordilleran, Cagayan Valley, Ibanagic, Gaddangic
Mga Kilalang Wikain (dialects) Pannon, Napnon, Se-esi, Kuga, Magtenap, Ali, Elodan, at Egaton
Populasyon 460 (PSA 2020 Census of Population and Housing
 Bilang ng Sambahayn na Gumagamit ng Wika   105 (PSA 2020 Census of Population and Housing
Lokasyon

Gattaran, Sta. Teresita, Gonzaga, Lal-lo, Buguey, Sta. Ana, Amulung, at  Peñablanca sa Cagayan  

Dinapigue, Isabela

Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses