Pangasinán
Pangasinán
Ang wikang Pangasinán ay isa sa mga pangunahing wika sa Pilipinas. Ito ang wikang sinasalita sa lalawigan ng Pangasinan partikular sa mga bayan ng Basista, Bayambang, Binmaley, Calasiao, Dagupan, Malasiqui, Mangaldan, Mangatarem, Mapandan, Pozorrubio, San Carlos, San Fabian, San Jacinto, Santa Barbara, at Urbiztondo. May mga nagsasalita rin nito sa mga bayan ng Anao, Camiling, Gerona, Lungsod Tarlac, Mayantoc, Moncada, Panique, Pura, Ramos, San Clemente, San Manuel, Santa Ignacia, at Victoria sa lalawigan ng Tarlac, at sa ilang lugar sa La Union. Parehong ginagamit ang Pangasinan at Pangasinense bílang pantukoy sa pangalan ng pangkat na gumagamit ng wikang Pangasinan.
Halos kalahati ng populasyon ng Pangasinan ay binubuo ng mga Pangasinénse, habang ang natitirá ay grupo ng mga dayong Ilokáno na naninirahan na sa silangan at kanlurang bahagi ng lalawigan.
Pangalan ng Wika | Pangasinán |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Pangasinán, Pangasinénse |
Sigla ng Wika | Ligtas (Salik 3) |
Klasipikasyon | Northern Luzon, Meso Cordilleran, South Central Cordilleran, Southern Cordilleran, West Southern Cordilleran |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 2,012,496 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 334,759 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon |
Lungsod Alaminos, Sual, Mabini, Lingayen, Labrador, Binmaley, Bugallon, Lungsod San Carlos, San Jacinto, Pozorrubio, Mangaldan, Calasiao, Mapandan, Malasiqui, Basista, Urbiztondo, Mangatarem, Lungsod Dagupan, Santa Barbara, Bayambang, Aguilar, at San Fabian sa Pangasinan Camiling, San Clemente, San Manuel, Moncada, Anao, Panique, Ramos, Pura, Gerona, Santa Ignacia, Mayantoc, Victoria, at Lungsod Tarlac sa Tarlac |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses