Molbóg
Molbóg
Ang Molbóg ay ang wikang sinasalita ng grupong Molbóg sa mga bayan ng Balabac at Bataraza sa lalawigan ng Palawan. Mayroon ding mga nagsasalita ng wikang ito sa labas ng bansa, partikular sa Sabah, Malaysia.
Bukod sa kanilang katutubong wika, nakaiintindi at nakapagsasalita rin ang mga Molbóg ng wikang Filipíno, at Inglés na natututuhan nila mula sa paaralan at sa pakikisalamuha sa mga dayo sa kanilang lugar.
Pangalan ng Wika | Molbóg |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Balábak, Molbóg Palawán |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Molbóg |
Sigla ng Wika | Di-ligtas (Salik 3) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Palawanic |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | Balabac, Banggi |
Populasyon | 19,331 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 5,050 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon | Bayan ng Balabac at Bataraza, lalawigan ng Palawan |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses