Mënuvú Úbo

Mënuvú Úbo

          Ang Mënuvú Úbo ay ang wika ng mga katutubong Mënuvú Úbo na naninirahan sa hilaga at kanlurang bahagi ng Bundok Apo, partikular sa mga bayan ng Baguio at Marilog sa Lungsod Davao; at sa Lungsod Kidapawan sa Hilagang Cotabato.

          Mayroong dalawang varayti ang Mënuvú Úbo: ang isa ay sinasalita sa Lungsod Davao hábang ang isa naman ay sinasalita sa Lungsod Kidapawan. Bukod sa mga varayti na ito, sinasalita rin ng grupo ang mga wikang Manóbo, Bagóbo Tagabáwa, Manóbo Áta, Manóbo Matigsálug, Hiligaynón, at Binisayáng Mindanáw na rehiyonal na wika sa lugar. Natututuhan na rin ng mga batàng Mënuvú Úbo ang Filipíno, at Inglés na mga wikang panturo sa paaralan.

Pangalan ng Wika Mënuvú Úbo
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names)  Manóbo Óbo 
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Mënuvú Úbo
Sigla ng Wika Di-ligtas (Salik 3) 
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Manobo, Central, South, Obo
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 34,106 (PSA 2020 Census of Population and Housing
 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika  3,376 (PSA 2020 Census of Population and Housing
Lokasyon

Brgy. Baguio at Brgy. Marilog sa Lungsod Davao, Davao del Sur 

Lungsod Kidapawan, Cotabato

Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses