Mapa ng mga Wika ng Pilipinas
Sinimulan ang proyektong ito noong 2014 sa pamamagitan ng pagsusuri ng datos mula sa mga naunang pag-aaral na sinundan ng serye ng pagbabalida ng datos sa iba – ibang panig ng bansa. Noong 2016, inilabas ang resulta ng pag-aaral na ito nang mailathala ang limbag na bersiyon ng Atlas ng mga Wika ng Filipinas, at ang katambal nitong Mapa ng mga Wika. Dito, ipinakita ang itinatáyang 135 wika ng Pilipinas at ang iláng batayang datos hinggil sa mga ito.
Bukod pa sa halagang dala ng praktikalidad, layunin din ng proyekto na ipakita ang angking halaga ng mga katutubong wika ng bansa na ayon kay Fredrick Barth, isang eksperto sa sosolingguwisitika, ay isang mahalagang elemento sa pagkakakilanlan ng kultura (sinipi sa KWF, 2016).
Gabay sa Paggamit ng Mapa
-
I-click ang mapa na nasa kanang bahagi. Pagkaraan, ida-direct nito ang user sa interface ng Mapa ng mga Wika ng Pilipinas.
-
Hanapin sa listahan ng mga wika na nasa kaliwang bahagi ang pangalan ng wika na nais makita ang lokasyon sa mapa. Maaari ding i- zoom in ang mapa at itapat ang cursor sa pin.
-
Makikita ng user ang tinatáyang lokasyon sa isang lalawigan kung saan matatagpuan ang pamayanang gumagamit ng wika.
-
I-double click ang naka-highlight na lalawigan at lalabas sa kanang bahagi ang sketch ng mapa.
-
Gamítin ang home icon para bumalik sa orihinal na view ng mapa; ang zoom in icon para palakihin ang view ng mapa; at ang zoom out icon para paliitin ang view ng mapa.