Manóbo Saranggáni
Manóbo Saranggáni
Manóbo Saranggáni ang tawag sa wika ng grupong Manóbo Saranggáni na naninirahan sa Davao del Sur at Davao Oriental. Pinakamalaki ang bílang ng grupo sa katimugang bahagi ng Davao del Sur, partikular sa mga bayan ng Jose Abad Santos . May mangilan-ngilan ding nagsasalita nitó sa bayan ng Malita, Davao Occidental, at sa lalawigan ng Sarangani. Isang kilaláng diyalekto nitó ang Governor Generoso Manóbo na sinasalita sa nasabing lugar (bayan ng Governor Generoso) sa lalawigan ng Davao Oriental.
Pangalan ng Wika | Manóbo Saranggáni |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Sarangáni |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Manóbo Saranggáni |
Sigla ng Wika | Matinding nanganganib (Salik 3) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Manobo, South |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 93,495 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 335 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon |
Malita at Jose Abad Santos sa Davao Occidental Governor Generoso, Davao Oriental Glan, Sarangani
|
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses