Manóbo Matigsalúg

Matigsalúg

Manóbo

          Manóbo Matigsálug ang tawag sa wika ng mga katutubong Manóbo Matigsálug na naninirahan sa Davao Matigsálug ay ginagamit ng mga katutubong Manóbo Matigsálug na nakatirá malápit sa Ilog Salug. Matatagpuan sila sa Lungsod Davao, Davao del Sur, Hilagang Cotabato, at Bukidnon.

          Naituturo pa rin ng mga magulang ang wikang Manóbo Matigsálug sa kanilang mga anak, subalit ang kabataang nalayo sa kanilang komunidad para mag-aral ay hindi na masyadong nagsasalita nitó. Ginagamit na rin ang wikang Manóbo Matigsálug bílang wikang panturo sa mga paaralan. 

Pangalan ng Wika Matigsálug Manóbo
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Matigsálug
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Manóbo Matigsálug
Sigla ng Wika Ligtas (Salik 1) 
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Manobo, South, Ata-Tigwa
Mga Kilalang Wikain (dialects) Kulamen
Populasyon 42,629 (PSA 2020 Census of Population and Housing
 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika   7,278 (PSA 2020 Census of Population and Housing)  
Lokasyon

Brgy. Sinuda, Brgy. Kiulom, Brgy. Panganan, Brgy. Digongan, Brgy. Kipilas, Brgy. Sagudanon, Brgy. Cabalantian, Brgy. White Kulaman, Brgy. Pagan, Brgy. Kitobo, Brgy. West Dalurong, Brgy. East Dalurong, Brgy. Kahusayan, at Brgy. Tawas sa Kitaotao, Bukidnon. 

Brgy. Delapa, Brgy. Linabo, Brgy. Lipa, Brgy. Palacapao, Brgy. Puntian, at Brgy. Sta. Filomena sa Quezon, 

Brgy. Marilog, Lungsod Davao, Davao del Sur

Brgy. Datu Matangkil, Arakan, Cotabato

Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses