Manóbo Ilyánen

Manóbo Ilyánen

          Manóbo Ilyánen ang tawag sa wika ng mga katutubong Manóbo Ilyánen na naninirahan sa mga bayan ng Pikit, Aleosan, Midsayap, Libungan, Pigcawayan, Alamada, Banisilan, Carmen, President Roxas, Antipas, Arakan, Matalam, at Kabacan sa lalawigan ng Cotabato. Arakan, Livungaen, at Pulangiyan ang mga kilaláng diyalekto ng wikang ito.

          Bukod sa Manóbo Ilyánen, marunong ding magsalita ang mga katutubo ng Binisayâng Mindanáw, Filipíno, at Inglés. Natututuhan nilá ang Binisayâng Mindanáw mula sa pakikihalubilo sa ibang grupo hábang natututuhan naman nilá ang Filipíno at Inglés bílang asignatura at mga wikang panturo sa paaralan. 

 

Pangalan ng Wika Manóbo Ilyánen
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names)
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Manóbo Ilyánen
Sigla ng Wika Tiyak na nanganganib (Salik 3) 
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Manobo, Central, West 
Mga Kilalang Wikain (dialects) Arakan, Livungaen, at Pulangiyan
Populasyon 6,153 (PSA 2020 Census of Population and Housing) 
 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika  837 (PSA 2020 Census of Population and Housing) 
Lokasyon Bayan ng Pikit, Aleosan, Midsayap, Libungan, Pigcawayan, Alamada, Banisilan, Carmen, Pres. Roxas, Antipas, Arakan, Matalam, at  Kabaca sa lalawigan ng Cotabato
Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses