Manóbo Dulángan
Manóbo Dulángan
Manóbo Dulángan ang tawag sa wika at grupo ng mga katutubong Manóbo Dulángan sa Sultan Kudarat at sa ilang bayan ng Maguindanao. Pinakamalaki ang bílang ng grupo sa lalawigan ng Sultan Kudarat, partikular sa mga bayan ng Senator Ninoy Aquino, Lebak, Palimbang, Kalamansig, Isulan, at Bagumbayan. Sinasalita rin ito sa bayan ng Ampatuan sa Maguindanao.
Kadalasang Manóbo Dulángan ang unang wikang natututuhan ng mga batàng Manóbo Dulángan. Ngunit dahil napaliligiran ng ibang etnolingguwistikong grupo tulad ng mga Tëduráy, Magindanáwon, at Tíbolí, gayundin ng mga dayong Ilónggo, Ilokáno, Bisayà, at Tagálog, hindi maiwasang matutuhan nilá ang mga wika ng mga grupong ito. Mangilan-ngilan din sa kanila ang natututo na ng Ingles dahil ginagamit itong wikang panturo kasáma ng Manóbo Dulángan at Filipíno.
Pangalan ng Wika | Manóbo Dulángan |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Manóbo Cotabáto |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Manóbo Dulangan |
Sigla ng Wika | Di-ligtas (Salik 3) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Manobo, Central East |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 40,878 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 7,582 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon |
Sityo Pagonay, Brgy. Bai Sarifinang; Brgy. Masiag; Brgy. Monterverda; Sityo Gumban; Brgy. Titulok sa Bagumbayan, Sultan Kudarat Sityo Balugo, Brgy. Bual, Isulan, Sultan Kudarat Sityo, Biao, Sityo Bilkayo, Sityo Sangaybebe, Sityo Tenuso, Sityo Melalag, Sityo Togotongon, Sityo Salabanog, Sityo Mimakaw, Sityo Kamantis, Sityo Kaloplop, Siyo Payong, at Sityo Salapitan, Brgy. Napnapon, Sityo Ilbog, Sityo Mebolo, Sityo Mebpanan, Sityo Matingaw, Sityo Salag-Uleg, Sityo Pliko, SItyo Ulusun, Sityo Lagaeban, Sityo Sugusuli, Sityo Kolosoy, at Sityo Mailib, Brgy. Balwan sa Palimbang, Sultang Kudarat Brgy. Bugso, Brgy. Kuden, Brgy. Nati, Brgy. Tinalon, Brgy. Kiadsam, Brgy. Midtungok, Brgy. Lagubang, at Brgy. Banali sa Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat Lebak, Sultan Kudarat Upi, South Upi, Datu Odin Sinsuat, Talayan, Guindulungan, Datu Unsay, Shariff Aguak, Ampatuan sa Maguindanao.
|
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses