Manóbo Áta
Manóbo Áta
Manóbo Áta ang tawag sa wika ng mga katutubong Manóbo sa Mindanao, partikular ang mga naninirahan sa mga bayan ng Talaingod sa lalawigan ng Davao del Norte. Tinatawag din sa parehong pangalan ang grupo—Manóbo Áta—bagaman kilalá rin silá ng mga tagalabas sa mga pangalang Áta ng Davao, Áta Manóbo, at Langílan.
Napalilibutan ng mga grupong Sebwáno at Mandayá ang lugar ng mga Manóbo Áta kayâ bukod sa kanilang katutubong wika, marunong din silá ng mga wikang Sebwáno, Mandayá, at barayti ng Binisayâng Mindanáw.
Pangalan ng Wika | Manóbo Áta |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Áta ng Davao, Áta Manóbo, at Langílan |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Manóbo Áta |
Sigla ng Wika | Di-ligtas (Salik 3) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Manobo, Central, South, Ata-Tigwa |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 68,919 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 9,835 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon | 72% ng naninirahan sa bayan ng Talaingod, Davao del Norte |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses