Manóbo Arománën
Manóbo Arománën
Manóbo Arománën ang tawag sa wika at grupo ng mga Manóbo na naninirahan sa mga bayan ng Carmen, Midsayap, Pikit, Kabacan, Banisilan, Matalam, Kabacan, President Roxas, Pigcawayan, Libungan, at Alamada sa Cotabato.
Iilang Manóbo Arománën na lámang ang nanatiling monolingguwal, at ito ay ang nakatatandang henerasyon na patúloy pa ring nabubúhay sa mga liblib na lugar ng rehiyon at hindi naaabot ng mga wika ng mga kalapit na grupong etnolingguwistiko tulad ng Magindanáwon sa hilaga, Mëranáw sa timog, Mënuvú Úbo sa silangan, Manóbo Matigsálug sa kanluran, Ilónggo, at Ilokáno.
Ang kasalukuyan at nakabábatàng henerasyon naman ay nakaiintindi at nakapagsasalita, bukod pa sa mga wika ng mga kalapit na grupo, ng Binisayâng Mindanáw, Hiligaynón, at Filipino. Ang mga nakapag-aaral ay natututo na rin ng wikang Inglés.
Pangalan ng Wika | Manóbo Arománën |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Manóbo Arománon |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Manóbo Arománën |
Sigla ng Wika | Tiyak na nanganganib (Salik 3) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Manobo |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 44,427 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 2,468 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon |
Brgy. Bentangan, Brgy. Aroman, Brgy. Ranzo, Brgy. Palanggalan, Brgy. Manarapan, Brgy. Kitulaan, Brgy. Pebpoloan, Brgy. Liliongan, at Brgy. Kibugtongan sa Carmen, Cotabato Midsayap, Pikit, at Kabacan sa Cotabato Brgy. Puting Bato at Brgy. Kiaring sa Banisilan, Cotabato Brgy. Bato, Brgy. Arakan, Brgy. Pinamaton, Brgy. Tamped, Brgy. Taguranao, at Brgy. Sarayan sa Matalam, Cotabato Brgy. Bato-Bato, Brgy. Lamalama, Brgy. Kimaruhing, Brgy. Datu Sandongan, Brgy. Datu Indang, at Brgy. Kisupaan sa President Roxas, Cotabato Brgy. Renibon, at Brgy. Kimarayang sa Pigcawayan, Cotabato Brgy. Sinapangan, Brgy. Barongis, Brgy. Montay, Brgy. Palao, Brgy. Grebona, Brgy. Malëngën sa Libungan, Cotabato Brgy. Rangayen at Brgy. Dado sa Alamada, Cotabato
|
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses