Manidé
Manidé
Ang Manidé ay ang wika sinasalita ng mga Kabíhug—isang grupo ng mga Agtâ na naninirahan sa Camarines Norte, partikular sa barangay Cabatuhan, Malaya, at Bagong Silang sa bayan ng Labo; Barangay San Lorenzo sa bayan ng Santa Elena; Barangay San Jose, Osmeña, at Tamisan sa bayan ng Jose Panganiban; bayan ng Paracale; at sa barangay Alayao sa bayan ng Capalonga. Kilalá rin silá sa mga tagalabas sa tawag na Abíyan.
Matatagpuan sa mga bayan ng Santa Elena at Labo, Camarines Norte ang pinakamalaking bílang ng mga gumagamit ng wikang Manidé. Bukod sa kanilang sariling wika, nakauunawa at nakapagsasalita rin ang mga Kabíhug ng Tagálog at Bíkol—mga wikang sinasalita sa mga karatig-pook at sa kalakhang Bicol.
Pangalan ng Wika | Manidé |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Abíyan, Agtâ Camarines Norte |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Kabihug |
Sigla ng Wika | Matinding nanganganib (Salik 3) |
Klasipikasyon | Manide-Alabat |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 2,066 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 311 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon |
Brgy. Cabatuhan, Brgy. Malaya, at Brgy. Bagong Silang sa Labo, Camarines Norte Brgy. San Lorenzo sa Sta. Elen, Camarines Norte Brgy. San Jose, Brgy. Osmeña, at Brgy. Tamisan sa Jose Panganiban, Camarines Norte Paracale, Camarines Norte Brgy. Alayao, Capalonga, Camarines Norte
|
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses