Mandayá

Mandayá

          Ang Mandayá ay ang wika ng grupong Mandayá na naninirahan sa mga bayan ng Boston, Baganga, Manay, Mati, Governor Generoso, Banaybanay, Caraga, Cateel, at Monkayo sa lalawigan ng Davao Oriental; New Bataan, Davao del Norte; at Tago, Surigao del Sur.

          Binisayâng Mindanáw ang rehiyonal na wika sa Davao Oriental. Kayâ naman ang mga varayti ng wikang Mandayá na Mandayá Karága at Mandayá Katiiláno ay kapuwa pinaghalong Mandayá at Binisayâng Mindanáw. Bukod sa mga ito, natututuhan din ng mga Mandayá ang Filipíno at Inglés, lalo na ng mga nása paaralan at ng mga nakatirá sa sentro.. 

 

Pangalan ng Wika Mandayá
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Davawényo
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Mandayá
Sigla ng Wika Ligtas (Salik 3) 
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Central Philippine, Mansakan, Eastern
Mga Kilalang Wikain (dialects) Mandayá Karága, Mandayá Katiiláno 
Populasyon 523,475 (PSA 2020 Census of Population and Housing)
 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika   45, 149 (PSA 2020 Census of Population and Housing)
Lokasyon

Brgy. Simulao, Brgy. Carmen, Brgy. Caatihan, Brgy. San Jose, Brgy. Cawayan, at Brgy. Campawan sa Boston, Davao Oriental 

Brgy. Mahanub, Brgy. Binondo, at Brgy. Campawan sa Bagana, Davao Oriental 

Brgy. New Taokanga, Manay, Davao Oriental

Brgy. Macambol at Brgy. Cabuaya sa sa Mati, Davao Oriental 

Brgy. Anitap, Tandang Sora. Brgy. Tagabebe, Brgy. Magdug, Brgy. Oregon, Brgy. Upper Tibanban, Brgy. Sergio  Osmeña, Brgy. Manuel Roxas, at Brgy. Tiblawan sa Governor Generoso, Davao  Oriental 

Brgy. Panikian at Brgy. Mahayag sa Banaybanay, Davao Oriental 

Brgy. Mount Diwata, Brgy. Casoon, Brgy. San Isidro, Brgy. Salvacion, Brgy. Upper Ulip, Brgy. Naboc, Brgy. Tubo-tubo (New Del Monte), Brgy. Pasian (Santa Filomena), Brgy. Baylo, Brgy. Rizal, Brgy. Haguimitan, Brgy. Olaycon, Brgy. San Jose, Brgy. Banlag, at Brgy. Awao sa Monkayo, Davao de Oro (Compostela Valley) 

New Bataan, Davao de Oro (Compostela Valley) 

Brgy. Abijod, Brgy. Aragon, Brgy. Baybay. Brgy. Mainit, Brgy. Maglahus, Brgy. San Antonio, Brgy. Alegria, Brgy. Sta. Filomena, Brgy. San Vicente, Brgy. San Miguel, Brgy. San Rafael, Brgy.  Taytayan, Brgy. Aliwagwag, at Brgy. Malibago sa Cateel, Davao Oriental 

Brgy. PIchon, Caraga, Davao Oriental 

Tago, Surigao del Sur 

Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Mga Varayti Wikang Mandayá

Mandayá Katiiláno
Sinasalita ang varayting itó sa bayan ng Cateel, Davao Oriental.

Mandayá Karága
Ito ang varayti ng wikang Mandayá na sinasalita ng humigit-kumulang 75% ng populasyon ng bayan ng Caraga, Davao Oriental.

Responses