Magindanáwon
Magindanáwon
Ang Magindanáwon ay isa sa mga wikang Danáw na kinabibilangan din ng mga wikang Iránun at Mëranáw. Sinasalita ito sa halos buong lalawigan ng Maguindanao, gayundin sa bayan ng Pikit, Hilagang Cotabato; bayan ng Lutayan, Sultan Kudarat ; at sa ilang lugar sa Timog Cotabato; Lanao del Sur; at Zamboanga del Sur.
Kasámang naninirahan ng mga Magindanáwon ang iba pang grupo tulad mga Sebwáno, Chabacano, at Tausúg sa kanilang lugar kayâ nakapagsasalita rin silá ng alinman sa wika ng mga grupong ito. Marunong din silá ng mga wikang Filipíno at Inglés na mga wikang panturo sa paaralan.
Pangalan ng Wika | Magindanáwon |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Maguindanáon |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Magindanáwon |
Sigla ng Wika | Ligtas (Salik 3) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Central Philippine, Bisayan, West, Kuyan |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | Laya, Ilud, Biwangan, Sibugay, Tagakawayan |
Populasyon | 2,021,099 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 365,032 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon |
Buong lalawigan ng Maguindanao Pikit, North Cotabato Lutayan, Sultan Kudarat Ilang lugar sa lalawigan ng Lanao del Sur Ilang lugar sa lalwigan ng South Cotabato Ilang lugar sa lalawigan ng Zamboangan del Sur
|
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses