Magahát
Magahát
Magahát ang tawag sa wika ng mga katutubong Magahát Bukidnón na kilalá rin sa tawag na Bukî. Sinasalita ito sa lalawigan ng Negros Oriental, partikular sa mga barangay ng Bongolanon, Cabatuanan, Linantayan, Maglinao, Bal-os, Cabalayongan, Nagbo-alao, Actin, Olando, at Poblacion,sa bayan ng Basay. Sinasalita rin ang naturang wika sa bayan ng Hinoba-an, Negros Occidental.
Bukod sa mga Bukî ay mayroon ding grupong Sebwáno sa lalawigan kayâ bukod sa Magahát, natututo rin ang mga katutubo ng wikang Sebwáno. Natututuhan din nilá ang Filipíno at Inglés na ginagamit na mga wikang panturo sa paaralan.
Pangalan ng Wika | Bukidnon Magahát |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Magahat |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Bukî o Magahat Bukidnon |
Sigla ng Wika | Malubhang nanganganib (Salik 3) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Central Philippine |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon |
2,498 (IPMR Magahat, Basay, 2021 Census) 869 (PSA 2020, Census of Population and Households, Hinoba-an)
|
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika |
501 (IPMR Magahat, Basay 2021 Census) 30 (PSA 2020 Census of Population and Households, Hinoba-an)
|
Lokasyon |
Barangay ng Bongalonan, Cabatuanan, Maglinao, at Linantayan, Bal-os, Cabalayongan, Nagbo-alao, Actin, Olandao, Poblacion sa bayan ng Basay sa lalawigan ng Negros Oriental Hinoba-an, Negross Occidental
|
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses