Kinaráy-a

Kinaráy-a

          Kinaráy-a ang tawag sa wika ng mga Karáy-a na naninirahan sa iba’t ibang bahagi ng mga lalawigan ng Antique, Capiz, Guimaras, at Iloilo. Kilalá rin ang wikang ito sa tawag na Antiqueño, Hinaráya, at Karáy-a. 

          Bukod sa Kinaráy-a, sinasalita rin ang wikang Hiligaynón sa mga nabanggit na lugar. Gayunman, higit na marami ang nagsasalita nitó kaysa Hiligaynón sa lalawigan ng Antique, sa buong Capiz, sa Gitnang Iloilo, at sa mga bayan sa kanlurang baybáyin ng Iloilo. May ilan ding grupo na nagsasalita nitó sa lalawigan ng Palawan.

          Nakauunawa rin ang halos lahat ng mga Karáy-a ng wikang Filipíno at Inglés na mga wikang panturo sa paaralan.

Pangalan ng Wika Kinaráy-a
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Antiquéño, Hinaráya, Karáy-a
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Karáy-a
Sigla ng Wika Ligtas (Salik 3)
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Central Philippine, Bisayan, West 
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 614,942 (PSA 2020 Census of Population and Housing) 
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika 146,826 (PSA 2020 Census of Population and Housing) 
Lokasyon

Antique;

bahaging timog ng pulo ng Guimaras

Tigbauan, Leon, Alimodian, Cabanutuan, Santa Barbara, Pototan, Anilao, at Dingle sa Iloilo 

Tapaz at Jamindan sa Capiz 

Brgy. Apoc-Apoc, Aborlan, Palawan 

Bataraza, Dumaran, Narra, Sofronio Esapañola, at Taytay sa Palawan 

Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses