Karáw

Karáw

          Ang Karáw ay ang wikang sinasalita ng katutubong pangkat ng parehas na pangalan na naninirahan sa barangay ng Ekip at Karao sa Bokod, Benguet. Madalas ay binabaybay ng mga katutubong Karáw ang pangalan ng kanilang wika at pangkat bílang “Karao” batay sa ispeling ng kanilang tinitirahan. 

          Bagamat tinatáyang 1,825 lámang ang tagapagsalita ng Karáw, maituturing na masigla ito dahil halos lahat ng katutubong pangkat nito ay una pa ring natutuhan ang sarili nilang wika. Bukod pa rito, kasalukuyan ding ginagamit ang Karáw sa pagtuturo sa mga batàng Karaw sa Bokod, Benguet.*

*datos mula sa isinagawang dokumentasyon ng KWF noong 2018

 

Pangalan ng Wika Karáw
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Karáo
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Karáw
Sigla ng Wika Ligtas (Salik 1)
Klasipikasyon Northern Luzon, Meso Cordilleran, South Central Cordilleran, Southern Cordilleran, West Southern Cordilleran, Nuclear Southern Cordilleran
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 2,996 (PSA 2020 Census of Population and Housing
 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika   475 (PSA 2020 Census of Population and Housing)
Lokasyon Brgy. Karao at  Brgy. Ekip, Bokod, Benguet
Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses