Kapampángan
Kapampángan
Ang Kapampángan ay isa sa mga pangunahing wika sa Pilipinas na sinasalita ng mga Kapampángan sa lalawigan ng Pampanga. Sinasalita rin ito sa Lungsod Tarlac at mga bayan ng Bamban, Capas, at Concepcion sa lalawigan ng Tarlac; sa bayan ng Cabiao sa Nueva Ecija; at sa mga bayan ng Dinalupihan at Hermosa sa Bataan. Tinatawag ng mga tagalabas ang wikang ito sa mga pangalang Pampánggo, Pampángan, at Pampanggényo.
Karamihan sa mga Kapampángan ay multilingguwal at marunong ng wikang Tagálog, Filipíno, at Inglés bagaman nananatiling monolingguwal ang ilan sa pinakamatatandang miyembro ng komunidad at iyong mga naninirahan sa malalayong barangay.
Pangalan ng Wika | Kapampángan |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Pampánggo, Pampanguéño |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Kapampángan |
Sigla ng Wika | Ligtas (Salik 1) |
Klasipikasyon | Central Luzon |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 3,209,738 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 639,687 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon |
Lalawigan ng Pampangan Bamba, Capas, Concepcion, at Lungsod Tarlac sa Tarlac Hermosa at Dinalupihan sa Bataan Cabiao, Nueva Ecija |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses