Kalingga
Kalingga
Ang Kalíngga ay ang wikang sinasalita ng grupong Kalíngga na matatagpuan sa lalawigan ng Kalinga sa Mountain Province.
Bukod sa mga Kalíngga, namumuhay rin sa lalawigan ang ibang grupo tulad ng mga Kankanáëy, Ifugáw, at Tagálog. Dahil sa pakikisalamuha sa kanila, hindi maiwasang matutuhan ng mga katutubong Kalíngga ang alinman sa wika ng mga grupong ito. Natututo rin silá ng wikang Ilokáno na lingua franca sa lalawigan, gayundin ng Filipino at Ingles na ginagamit na mga wikang panturo sa paaralan.
Pangalan ng Wika | Kalíngga |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Ikalínga |
Sigla ng Wika | Ligtas (Salik 1) |
Klasipikasyon | Northern Luzon, Meso Cordilleran, South Central Cordilleran, Central Cordilleran, North Central Cordilleran, Kalinga-Itneg |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | Kalíngga Butbút, Kalíngga Gininaáng, Katimúgang Kalíngga o Kinalíngga, Kalíngga Límos, Kalíngga Lubuágan, Kalíngga Mabaka, Kalíngga Madyukayóng, at Kalíngga Tanúdan |
Populasyon | 212,983 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 28,049 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon |
Sityo Pakak, Sityo Kataw, Sityo Annemang, Sityo Malapiat, Sityo Andaraya, at Sityo Bua sa Brgy. Poblacion; Brgy. Buscalan, Brgy. Ngibat, Brgy. Loccong, Brgy. Bugnay, Brgy. Sumadel, Brgy. Bangad, Brgy. Mallango, Brgy. Basao, at Brgy. Luplupa sa Tinglayan, Kalinga Sityo Amdalaw, Sityo Dallo, Sityo Palitugong, Sityo Paklang, at Sityo Si-ak sa Brgy. Guina-ang; Brgy. Dalupa, Brgy. Colayo, Brgy. Dangtalan, Brgy. Pugong, at Brgy. Galdang sa Pasil, Kalinga walong barangay sa ibabang bahagi ng Ilog Saltan sa Pinukpuk, Kalinga Lubuagan, Tabuk, at Rizal sa Kalinga Sityo Balala, Sityo Bayuwong, Sityo Kalkatan, Sityo Kanao, Sityo Dapuog, Sityo Masait, Sityo Pasnaan, at Sityo Tanap sa Brgy. Mabaca, Balbalan, Kalinga Brgy. Dacalan, Brgy. Lubo, Brgy. Mangali, Brgy. Pangol, Brgy. Taloctoc, at Brgy. Gaang sa Tanudan, Kalinga Brgy. Saliok at Brgy. Maducayan, silangang bahagi ng Natonin, Mt. Province |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Mga Varayti ng Wikang Kinalíngga
Kalíngga Butbút
Sinasalita ang varayting ito sa bayan ng Tinglayan, partikular sa mga sityo ng Pakak, Kataw, Annemang, Malapiat, Andaraya, at Bua sa Barangay Poblacion. Sinasalita rin ito sa ilang sityo ng Barangay Sumadel, Bangad, Malangod, Basao, at Luplupa.
Kalíngga Ginináang
Sinasalita ang varayting ito sa Amdalaw, Dallo, Palitugong, Paklang, at Si-ak sa bayan ng Pasil.
Katimúgang Kalíngga
Nahahati ang varayting ito sa tatlong subdiyalekto: Sumadel-Tinglayan o Sinumacher, Malango-Tinglayan o Minalango, at Bangad-Tinglayan o Binangad. Sinasalita ito sa mga barangay ng Bangad, Malango, at Sumadel sa bayan ng Tinglayan; bayan ng Tanudan at Balbalan at Lungsod Tabuk.
Kalíngga Limos
Ito ang varayti ng Kinalíngga na sinasalita sa walong baryo sa timog ng Ilog Saltan sa bayan ng Pinukpok, gayundin sa mga bayan ng Tabuk at Rizal.
Kalíngga Lubuagan
Ito ang varayti na sinasalita sa bayan ng Lubuagan.
Kalíngga Mabaka
Sinasalita ang varayting ito sa mga sityo ng Balala, Bayuwong, Kalkatan, Kanao, Dapuog, Masait, Pasnaan, at Tanap sa Barangay Mabaka, Balbalan.
Kalíngga Madyukayong
Ang varayting ito ay sinasalita sa barangay Saliok at Maducayan sa bayan ng Natonin.
Kalíngga Tanudan
Sinasalita ang varayting ito sa 16 na barangay ng bayan ng Tanudan.
Responses