Kalagan

 

Kalagán

          Kalagán ang tawag sa wika at mga katutubong naninirahan sa Sirawan, Lungsod Davao; Lungsod Digos; mga bayan ng Hagonoy at Santa Cruz sa lalawigan ng Davao del Sur; Lungsod Panabo, Lungsod Tagum, at bayan ng San Isidro sa lalawigan ng Davao del Norte; Lungsod Mati, mga bayan ng Banaybanay at Lupon sa lalawigan ng Davao Oriental; at sa mga bayan ng Maco at Pantukan sa lalawigan ng Compostela Valley. Pinakamalaki ang bílang ng grupo sa Sirawan, Davao del Sur; sa paligid ng Tagum, Davao del Norte; Mati, Davao Oriental; at sa Compostela Valley. 

          Ang mga matatandang Kalagán ay patuloy sa paggamit ng kanilang katutubong wika lalo na iyong mga walang pagkakataóng makasalamuha ang ibang grupong naninirahan sa kanilang lugar. Ang mga mas batàng henerasyon naman, na madalas nakikisalamuha sa ibang grupo kayâ hindi maiwasang matutuhan nilá ang wika ng lahat o alinman sa mga grupong ito, ay nakapagsasalita ng Hiligaynón, Filipíno, at Inglés.

Pangalan ng Wika Kalagán
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Kaagán, Kinalagán
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Kalagán
Sigla ng Wika Di-ligtas (Salik 3) 
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Central Philippine, Mansakan, Western
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 87,327 (PSA 2020 Census of Population and Housing
 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika   14,165 (PSA 2020 Census of Population and Housing)
Lokasyon

Brgy. Sirawan, Lungsod Davao sa Davao del Sur 

Lungsod Digos, Hagonoy, at Sta. Cruz sa Davao del Sur

Lungsod Panabo, Lungsod Tagum, at  San Isidro sa Davao del Norte

Lungsod Mati, Banaybanay, at Lupon sa Davao Oriental   

Maco at Pantukan sa Davao de Oro

Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses