Kagayanën
Kagayanën
Kagayánën ang tawag sa wika ng mga katutubong Kagayánën na naninirahan sa Isla ng Balabac; sa mga bayan ng Cagayancillo, Quezon, Rizal, Busuanga, Coron, at Roxas sa lalawigan ng Palawan; at sa Lungsod Puerto Princesa.
Karaniwang Kagayánën ang unang wikang natututuhan ng mga batàng Kagayánën sa kanilang komunidad. Pagkaraan, natututuhan naman nilá ang wikang Tagálog na rehiyonal na wika sa Palawan. Natututuhan din ng karamihan ang wika ng iba pang grupo sa lalawigan tulad ng Hiligaynón, Bíkol, Mëranáw, Bahása Súg, at Siyámal. Nagiging bihasa naman sa Filipíno at Inglés ang mga nása eskuwelahan.
Pangalan ng Wika | Kagayánën |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Kinagayánen, Cagayánen |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Kagayanën |
Sigla ng Wika | Di-ligtas (Salik 3) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Manobo, North |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 51,725 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 3,020 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon | Cagayancillo, Balabac Island, Quezon, Rizal, Busuanga, at Coron sa Palawan |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses