Jama Mapún
Jama Mapún
Ang Jáma Mapún ay ang wikang sinasalita sa isla ng Mapun (dáting Cagayan de Sulu o Cagayan de Tawi-tawi) ng mga katutubong Jáma Mapún. Sinasalita rin ito sa mga bayan ng Balabac, Bataraza, at Brooke’s Point sa lalawigan ng Palawan.
Karamihan sa mga Jáma Mapún ay mulitilingguwal. Bukod sa wika ng mga karatig-grupo na Bahása Sug, Inglés, at Sáma, nakaiintindi at nakapagsasalita rin silá ng wikang Inglés. Sa kasalukuyan, tinatáyang 4,000 Jáma Mapún na lámang ang monolingguwal.
Pangalan ng Wika | Jáma Mapún |
Iba pang tawag sa wika (alternate names) | Sáma Mapún |
Pangkat na gumagamit ng wika | Jáma Mapún |
Sigla ng Wika | Di-ligtas (Salik 3) |
Klasipikasyon | Samalan, Sulu-Borneo, Borneo Coast Bajaw |
Mga kilalang wikain (dialects) | |
Populasyon | 48,967 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 7,838 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon |
Isla ng Mapun (dating Cagayan de Sulu o Cagayan de Tawi-tawi) sa lalawigan ng Tawi-Tawi |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang talâ | Sinasalita rin sa lugar ang Bahasa Sug. |
Responses