Ivatán

 

Ivatán

          Ivatán ang tawag sa wika ng mga katutubong Ivatán na naninirahan sa mga isla ng Batanes, partikular sa mga bayan ng Batan, Sabtang, at Itbayat. Ang kilaláng varayti ng wikang ito, ang Itbayátën, ay sinasalita ng mga Ivatán sa Isla ng Itbayat. 

          Ang Batanes ay ang pinakamaliit na lalawigan sa buong Pilipinas, at sa gayon ay ang lalawigang may pinakamaliit na bílang din ng populasyon. Bagaman maliit ang bílang, ang buong populasyon ng Batanes ay Ivatán ang wikang sinasalita. Siyamnapung porsiyento (90%) naman ng populasyon na ito ay marunong ng wikang Filipíno.

Pangalan ng Wika Ivatán
Iba pang tawag sa wika (alternate names) Ivatánen, Chirín nu Ibatán
Pangkat na gumagamit ng wika  Ivatán
Sigla ng Wika Ligtas (Salik1)
Klasipikasyon Batanic
Mga kilalang wikain (dialects) Ivasayen (sinasalita sa Basco), Isamurungen (sinasalita sa Mahatao, Ivana, Uyugan, at Sabtang), at Itbayaten (sinasalita sa isla ng Itbayat)
Populasyon 38,622 (PSA 2020 Census of Population and Housing)
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika  6,306 (PSA 2020 Census of Population and Housing
Lokasyon Batanes
Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
Iba pang talâ

Responses