Itnëg

Itnëg

          Itnëg ang tawag sa wika ng mga Itnëg na matatagpuan sa halos lahat ng bayan ng Abra at sa ilang bahagi ng lalawigan ng Ilocos Sur, Ilocos Norte, at Isabela. Kilalá rin ang mga Itnëg sa tawag na Tinggían. 

          Itnëg ang unang wikang natututuhan ng mga katutubong Itnëg. Sa labas ng kanilang komunidad ay natututuhan naman nilá ang Ilokáno na lingua franca sa rehiyon. Ang Filipíno at Inglés naman ay natututuhan nilá sa paaralan.

 

Pangalan ng Wika Itnë́g 
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Tinguían, Tingguían
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Itnë́g, Tinggían*
Sigla ng Wika Di-ligtas (Salik 3) 
Klasipikasyon Northern Luzon, Meso Cordilleran, South-Central Cordilleran, Central Cordilleran, North Central Cordilleran, Kalinga-Itneg 
Mga Kilalang Wikain (dialects)

Adasen, Banaw, Binongan, Inlaud, Maeng, Masadiit,

Mayodan

Populasyon 148,501 (PSA 2020 Census of Population and Housing
 Bilang  ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika   19,795 (PSA 2020 Census of Population and Housing
Lokasyon

Tineg, Lagayan, Lagangilang, Lacub, Licuan-Baay, Malibcong, San Juan,  San Quintin, Bucay, Langiden, La Paz, Danglas, Peñarrubia, Bucloc, Sallapadan, at Manabo sa Abra

Brgy. Bao-yan, Brgy. Dumagas, at Brgy. Poblacion sa Boliney, Abra 

Brgy. Bisangol, Brgy. Elefante, Brgy. Guardia, Brgy. Lopez, Brgy. Montero, Brgy. Naguimba, Brgy. Pila, at Brgy. Poblacion sa Banayoyo, Ilocos Sur

Brgy. Lucaban, Brgy. Luna,  Brgy. Mambug, at Brgy. Poblacion Sur sa  Burgos, Ilocos Sur

buong bayan ng Galimuyod, Ilocos Sur

Brgy. Banucal, Brgy. Bequi-walin, Brgy. Bugui, Brgy. Calungbuyan, Brgy. Carcarabasa, Brgy. Labut, Brgy. Poblacion Norte, Brgy. Poblacion Sur, Brgy. San Vicente, Brgy. Suysuyan, at Brgy. Tay-ac sa Lidlida, Ilocos Sur

Brgy. Bandril; Sityo Bogbog, Brgy. Casilagan; Brgy. Mission; at Brgy. Poblacion East sa Nagbukel, Ilocos Sur

Brgy. Cabaroan (Poblacion), Brgy. Kalumsing, Brgy. Lancuas, Brgy. Matibuey, Brgy. Paltoc, Brgy. San Miliano, Brgy. Sibsibbu, at Brgy. Tiagan sa San Emilio, Ilocos Sur

Brgy. Mabileg, Sigay, Ilocos Sur

Brgy. Laoingen, Sto. Domingo, Ilocos Sur

Brgy. Cadanglaan, Magsingal, Ilocos Sur

Brgy. Asilang, San Juan, Ilocos Sur 

Brgy. Nagsincaoan at Brgy. Sisim sa Cabugao, Ilocos Sur

Brgy. Barangobong, Brgy. Bugayong, Brgy. Cabittauran, Brgy. Garnaden, Brgy. Naguillian, Brgy. Poblacion, Brgy. Sto. Niño, at Brgy. Uguis sa Nueva Era, Ilocos Norte

Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ *Batay sa city ordinance para sa sa baybay /pangalan ng pangkat 

Mga Varayti ng Wikang Itnëg

Adasen
Ito ang varayti ng Itnëg na sinasalita sa hilagang bahagi ng Abra partikular sa mga bayan ng Tineg, Lagayan, Lagangilang, at Lacub.

 

Banaw
Sinasalita ang varayting ito sa Malibcong, Abra, partikular sa barangay Taripan, Duldulao, Gacab, Buanao, Lat-ey, Mataragan, Bayabas, at Dulao; gayundin sa bayan ng Daguioman. Ang mga nasabing lugar ay malápit sa lalawigan ng Kalinga kayâ’t malapít ang varayting ito sa ilang wika sa Kalinga.

 

Inlaud
Ang varayting ito ang may pinakamalaking bílang ng gumagamit. Sinasalita ito sa bayan ng Lagangilang, Penarrubia, Danglas, La Pas, Langiden, Bucay, San Quintin, Lagayan, at San Juan.

 

Maeng
Ito ang varayti ng Itnëg na sinasalita sa mga bayan ng Luba, Tubo, Villaviciosa, at Manabo sa Abra.

 

Masadiit
Sinasalita ang varayting ito ng humigit-kumulang 1,000 Itnëg sa Bucloc, Sallapadan, at Boliney sa silangang bahagi ng Abra.

 

Mayodan
Ang varayting ito ay sinasalita sa bayan ng Manabo at sa ilang bahagi ng Boliney.

Responses