Isnëg

 

Isnëg

          Isnë́g ang tawag sa wika ng mga Isnëg na naninirahan sa bundok ng Apayao, partikular sa mga bayan ng Calanasan, Kabugao, Conner, Luna, at Pudtol. May ilan ding maliliit na komunidad sa ilang bayan ng Ilocos Norte at Cagayan ang gumagamit ng wikang ito. 

          Ilokáno ang rehiyonal na wika sa Apayao kayâ karamihan sa mga Isnëg ay marunong ng wikang ito. Natututuhan din nilá ang Filipíno at Inglés pagtuntong sa paaralan bagaman maliit na porsiyento lámang sa kanila ang pormal na nakapag-aaral.

Pangalan ng Wika Isnë́g
Iba pang tawag sa wika (alternate names) Apayáo, Isnág, Maragát
Pangkat na gumagamit ng wika  Apayáo,  Isnëg , Maragát
Sigla ng Wika Di-ligtas (Salik 3) 
Klasipikasyon Northern Luzon, Northern Cordilleran, Cagayan Valley, Isnag
Mga kilalang wikain (dialects) Calanasan, Kabugao
Populasyon 54,307 (PSA 2020 Census of Population and Housing
 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika  9,205 (PSA 2020 Census of Population and Housing
Lokasyon

Calanasan, Kabugao, Conner, Luna, at Pudtol sa Apayao

Sityo Rayray, Brgy. Bacsil at Sityo Masamuyao, Brgy. Payac sa Bangui, Ilocos Norte

Brgy. Angset, Brgy. Barbaqueso, at Brgy. Virbira sa Carasi, Ilocos Norte 

Sityo Nalasen, Brgy. San Marcelino sa Dingras, Ilocos Norte

Dumalneg, Ilocos Norte

Sityo Laoag, Brgy. Cacafean, Marcos, Ilocos Norte

Sityo San Agustin, Brgy. Pancian; Sityo Salicsic, Brgy. Dampig; Brgy. Saguigui; at Brgy. Caunayan sa Pagudpud, Ilocos Norte

Brgy. Manalpac at Brgy. Maananteng sa  Solsona, Ilocos Norte

Sityo Dasar, Brgy. Isic-isic at Sityo Gubang, Brgy. Canaam sa Vintar, Ilocos Norte

Brgy Adams (Pob), Adams, Ilocos Norte

Sityo Badang, Brgy. Maliclico Proper, Sudipen, La Union  

Santa Praxedes, Claveria, at Sanchez Mira sa Cagayan

Sistema ng Pagsulat
Iba pang talâ

Responses