Isináy

 

Isináy

          Ang Isináy ay ang wika ng mga katutubong Isináy na isa sa siyam na pangunahing pangkating etniko na naninirahan sa lalawigan ng Nueva Vizcaya. Matatagpuan silá partikular sa bayan ng Bambang, Aritao, at Dupax del Sur na itinuturing na sentro ng grupo. 

          Nakapaligid ang mga grupong Kalangúya, Ilokáno, Tagálog, Kapampángan, at Pangasinán sa lugar ng mga Isináy. Dahil dito, hindi maiwasang matutuhan nilá ang alinman sa wika ng mga nabanggit na grupo. Marunong din silá ng Ilokáno na rehiyonal na wika sa lalawigan. Natututuhan na rin ng mga batàng Isináy ang Filipíno at Inglés na mga wikang panturo sa paaralan.*

*datos mula sa isinagawang dokumentasyon ng KWF noong 2018

Pangalan ng Wika Isináy
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Isinái,  Inmeyás
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Isináy
Sigla ng Wika Di-ligtas (Salik 1) 
Klasipikasyon Northern Luzon, Meso Cordilleran, South Central Cordilleran, Central Cordilleran 
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 12,644 (PSA 2020 Census of Population and Housing) 
 Sambahayan na Gumagamit ng Wika  3,587 (PSA 2020 Census of Population and Housing) 
Lokasyon Aritao, Dupax del Sur, at Bambang sa Nueva Vizcaya
Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses