Iraya Mangyan
Iraya Mangyan
Irayá Mangyán ang wikang sinasalita ng mga katutubong Irayá Mangyán na naninirahan sa mga bayan ng Puerto Galera, San Teodoro, at Baco sa Oriental Mindoro. May ilan ding naninirahan sa ilang bahagi ng Occidental Mindoro partikular sa mga bayan ng Abra de Ilog, Paluan, Mamburao, at Santa Cruz..
Bukod sa kanilang katutubong wika, marunong din ng Tagálog ang karamihan sa mga Irayá. Sa katunayan, maraming batàng Irayá Mangyán ang Tagálog ang wikang sinasalita sa halip na wikang Irayá Mangyán. Ito ay dahil marami na sa kanila ang namumuhay kasáma ng mga Tagálog sa kapatagan o di kayâ’y araw-araw na nakikisalamuha sa mga ito.
Ang Filipíno at Inglés naman ay itinuturo sa paaralan mula elementarya bílang asignatura subalit marami pa rin sa mga Irayá ang hindi nakakapagsalita ng mga wikang ito. Samantála, pawang ang matatandang nása edad 60 pataas na lámang ang nananatiling monolingguwal na Irayá Mangyán.
Pangalan ng Wika | Irayá Mangyán |
Iba pang tawag sa wika (alternate names) | Irayá |
Pangkat na gumagamit ng wika | Irayá Mangyán |
Sigla ng Wika | Di-ligtas (Salik 3) |
Klasipikasyon | North Mangyan |
Mga kilalang wikain (dialects) | |
Populasyon | 39,439 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 1,637 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon |
Brgy. Udalo, Brgy. Lumangbayan, Brgy. Wawa, Brgy. Tibag, Brgy. Poblacion, Brgy. San Vicente, Brgy. Balao, Brgy. Cabacao, at Brgy. Armado sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro Brgy. Balansay, Brgy. Fatima, Brgy. Tayamaan, Brgy. Tangkalan, Brgy. San Luis, at Brgy. Talabaan sa Mamburao, Occidental Mindoro Brgy. Mananao, Brgy. Marikit, Brgy. Harrison, Brgy. Alipaoy, at Brgy. Lumangbayan sa Paluan, Occidental Mindoro Brgy. Alacaak at Brgy. Casague sa Sta. Cruz, Occidental Mindoro Puerto Galera, San Teodoro, at Baco sa Oriental Mindoro |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang talâ |
Responses