Ini

 

Ini

          Iní ang tawag sa wika ng mga Romblománon sa bayan ng Romblon, San Agustin, Magdiwang, San Fernando, at Cajidiocan sa lalawigan ng Romblon; at sa ilang bahagi ng Oriental Mindoro. Kilalá rin ang wikang ito sa tawag na Romblománon, Tiyad Iní, Basi, Niromblon, o Sibuyanon. 

          Bukod sa wikang Iní, marunong din ang mga Romblománon ng ibang wika. Ang mga Romblománon sa isla ng Sibuyan ay nakaiintindi at nakapagsasalita ng Aklánon, Hiligaynón, at Tagálog. Ang wikang Filipíno at Inglés naman ay natututuhan nilá sa eskuwelahan at sa pamamagitan ng eksposyur sa midya.

Pangalan ng Wika Iní
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Romblománon, Tiyád Iní, Bási, Niromblón, o Sibuyánon
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Romblománon
Sigla ng Wika Ligtas (Salik 1) 
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Central Philippine, Bisayan, Ini
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 225,085 (PSA 2020 Census of Population and Housing
 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika   32,045 (PSA 2020 Census of Population and Housing
Lokasyon Romblon, Magdiwang, San Fernando, Cajidiocan, at San Agustin sa lalawigan ng Romblon
Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses