Inete
Inete
Inéte ang tawag sa wika ng mga katutubong Áti na naninirahan sa bayan ng San Jose, Romblon; Brgy. Igcalawagan, Dao, Tobias, Fornier, Antique; at Cubay Sur, Aklan. Kilalá rin ang wikang Inéte sa tawag na Ináti.
Mataas ang pagtingin ng mga katutubong Áti sa kanilang wika. Patunay rito ang paggamit nilá ng wikang Inéte sa loob ng tahanan at sa kanilang komunidad. Gumagamit rin silá ng wikang Hiligaynón na lingua franca sa kanilang lugar. Ilan sa kanila, lalo na sng mga nakapag-aral, ang marunong din ng Filipíno at Inglés.
Pangalan ng Wika | Inéte |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Áti, Ináti, Bisayá |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Áti |
Sigla ng Wika | Tiyak na nanganganib (Salik 3) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Central Philippine |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 55,473 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 572 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon |
Brgy. Lipata, Barotac Viejo, Iloilo Calinog at Passi sa Iloilo Brgy. Aglalana, Sityo Tag-ao, Brgy. Tamulalod, at Brgy. Janguslob sa Dumarao, Capiz Panay, at Cuartero sa Capiz Sityo Marikudo, Brgy. Camangcamang, Isabela, Negros Occidental |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses