Inata
Inata
Wikang Inatá ang katutubong wika ng mga Atá. Sinasalita ito sa apat na komunidad ng mga Atá sa lalawigan ng Negros Occidental partikular sa bayan ng Cadiz, Sagay, Calatrava, at Salvador Benedicto.
Batay sa pagtatáya ng mga namumuno sa komunidad ng Sityo Manara, halos 10% o 30 miyembro na lámang ang nakapagsasalita ng kanilang katutubong wika sa kanilang komunidad at karamihan dito ay mga nakatatandang miyembro na lámang ng komunidad. Sa kasalukuyan, Hiligaynon na ang wikang ginagamit ng kanilang komunidad sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. Sa tahanan, Hiligaynon din ang wikang ginagamit ng mga pamilya sa kanilang komunidad. Kayâ naman, ito na rin ang unang wikang natutuhan ng kanilang mga anak.*
*datos mula sa isinagawang dokumentasyon ng KWF noong 2015
![](https://kwf.estatoora.com/wp-content/uploads/2023/12/049_Inata-scaled.jpeg)
Pangalan ng Wika | Inatá |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Atá |
Sigla ng Wika | Matinding nanganganib (Salik 1) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippines, Central Philippine |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 4,274 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 534 (PSA 2020) |
Lokasyon |
Sityo Manara, Brgy. Celestino Villacin sa Cadiz, Negros Occidental Lungsod Sagay, Calatrava, Toboso, at Salvador Benedicto sa Negros Occidental |
Sistema ng Pagsulat | Titik/Alpabetong Romano |
Iba pang Talâ | Nakatatandang henerasyon na lamang ang gumagamit ng wika |
Responses