Inabaknón
Inabaknón
Ang Inabaknón ay ang wika ng mga Kapulényo sa isla ng Capul sa Samar. Kilalá rin ang wikang ito sa tawag na Abaknón, Sáma, at Minuslím.
Masigla at mabisang ginagamit ang wikang Inabaknón sa iba’t ibang larang tulad sa relihiyon at kalakalan. Ang 14,000 na Abaknôn ay multilingguwal at marunong din ng wikang Filipíno, Inglés, Waráy, Bíkol, at Sebwáno.
Pangalan ng Wika | Inabaknón |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Abaknón, Abaknón Sáma, Capuléño |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Kapulényo, Capuléño, o Abaknón |
Sigla ng Wika | Ligtas (Salik 3) |
Klasipikasyon | Samalan |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 12,323 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 2,872 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon | Capul, Hilagang Samar |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses