Ilokano

 

Ilokano

          Isa ang Ilokáno sa mga pangunahing wika sa Pilipinas at ikatlong pinakamalaking wika batay sa bílang ng mga tagapagsalita. Ito ang lingua franca sa Hilagang Luzon at ang pangunahing wika sa lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Abra, Pangasinan, Cagayan. Sinasalita rin ito sa kalakhan ng rehiyon ng Lambak Cagayan at Cordillera Administrative Region bílang lingua franca. Tinatawag ng grupo ang kanilang sarili at wika sa parehong pangalan—Ilokáno—at sa ganitong pangalan din silá kilalá ng mga tagalabas bagaman nagagamit din ang terminong Ilóko o Ilúku. 

          Ilokáno ang unang wikang natutuhan ng mga batàng Ilokáno. Karaniwang ito na ang wikang kanilang gagamitin hanggang sa pagtanda kahit pa matutuhan ang ibang wika tulad ng wikang Filipíno at Inglés na kadalasang natututuhan mula sa paaralan.

Pangalan ng Wika Ilokáno
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Ilóko
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Ilokáno
Sigla ng Wika Ligtas (Salik 3) 
Klasipikasyon Northern Luzon
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 8,746,169 (PSA 2020 Census of Population and Housing)
 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika   1,863,409 (PSA 2020 Census of Population and Housing
Lokasyon

Apayao, Kalinga, Mountain Province, Benguet, at Ifugao

Ilocos Norte, Ilocos Sur, at La Union

Cagayan, Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya

Anda, Bani, Agno, Burgos, Dasol, Infanta, Sison, San Nicolas, San Manuel, Laoac, Binalonan, Asingan, Tayug, Natividad, San Quintin, Urdaneta, Santa Maria, Villasis, Balungao, Umingan, Rosales, at Alcala sa lalawigan ng Pangasinan   

Bangued, Tayum, Pidigan, San Isidro, Pilar, Lagangilang, Peñarrubia, Danglas, La Paz, Langiden, Bucay, San Quintin, Lagayan, San Juan, Bucloc, Sallapadan, Boliney, Luba, Tubo, Villaviciosa, Manabo, Tineg, Lacub, Daguioman, Dolores, Licuan-Baay, at Malibcong sa lalawigan ng Abra

Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses