Îguwák
Îguwák
Îguwák ang tawag sa wika ng mga katutubong Îguwák na naninirahan sa lalawigan ng Nueva Vizcaya, partikular sa Barangay Buyasyas sa bayan ng Santa Fe at sa Barangay Buyasyas sa bayan ng Kayapa. May mangilan-ngilan ding nagsasalita nitó sa bayan ng San Nicolas, Pangasinan.
Ayon sa ilang pag-aaral, malapít ang wikang Îguwák sa wikang Karáw at Ibalóy. Matatagpuan naman ang mga Îguwák kasáma ang mga dominanteng etnolingguwistikong grupo kayâ ang kanilang mga kinagawian ay may pagkakatulad sa iba’t ibang kulturang nakapalibot sa kanila.
Natututuhan ng mga Îguwák ang Filipíno at Inglés sa eskuwelahan na parehong mga wikang panturo.
![](https://kwf.estatoora.com/wp-content/uploads/2023/12/044_Iguwak_new-scaled.jpeg)
Pangalan ng Wika | Îguwák |
Iba pang tawag sa wika (alternate names) | |
Pangkat na gumagamit ng wika | Îguwák |
Sigla ng Wika | Tiyak na nanganganib (Salik 1) |
Klasipikasyon | Northern Luzon, Meso-Cordilleran, South-Central Cordilleran, Southern Cordilleran, West Southern Cordilleran, Nuclear Southern Cordilleran, Ibaloy |
Mga kilalang wikain (dialects) | |
Populasyon |
3,274 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika |
486 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon |
Brgy. Buyasyas, Santa Fe, Nueva Vizcaya Brgy. Kayapa Proper East, Brgy. Kayapa Proper West, Brgy. Buyasyas, Brgy. Alang-salacsac, Brgy. Amelong Labeng, Brgy. Ansipsip, Brgy. Baan, Brgy. Balete, Brgy. Besong, Brgy. Cabalatan-Alang, Brgy. Cabayo, Brgy. Castillo Village, Brgy. Lawigan, Brgy. Pampang, Brgy. Pinayag, Brgy. Pingkian, Brgy. Talecabcab, at Brgy. Tidang Village sa Kayapa, Nueva Vizcaya Brgy. Pallas, Bambang, Nueva Vizcaya Sityo Domolpos, Brgy. Tinongdan, Itogon, Benguet |
Sistema ng Pagsulat | Titik/Alpabetong Romano |
Iba pang talâ |
Responses