Ibanág
Ibanág
Ibanág ang tawag sa wika ng grupong Ibanág na naninirahan sa lalawigan ng Cagayan at Isabela.
May apat na varayti ng wikang Ibanág: (1) ang Ibanág na sinasalita sa Pamplona, Abulug, Aparri, Camalaniugan, at Lallo sa Hilagang Cagayan na itinuturing na tahanan ng mga unang Ibanág; (2) ang Ibanág na sinasalita sa Lungsod Tuguegarao at mga karatig nitó; (3) ang Ibanág na sinasalita sa San Pablo, Cabagan, at Santa Maria sa Hilagang Isabela; at (4) ang Ibanág na sinasalita sa Tumawini, Ilagan, at Gamu sa Timog Isabela.
Pangkaraniwan nang ginagamit ng mga Ibanag ang mga tunog na [f], [v], at [z] na wala sa halos lahat ng mga wika sa Pilipinas.
Pangalan ng Wika | Ibanág |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Ybanag, Ibanák |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Ibanág |
Sigla ng Wika | Ligtas (Salik 1) |
Klasipikasyon | Northern Luzon, Northern Cordilleran, Cagayan Valley, Ibaganic |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | Hilagang Cagayan Lungsod Tuguegarao Hilagang Isabela Timog Isabela |
Populasyon |
463,390 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika |
62,836 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon |
Pamplona, Abulug, Aparri, Camalaniugan, Lal-lo, Tuguegarao, at Buguey sa lalawigan ng Cagayan San Pablo, Cabagan, Sta. Maria, Tumauini, Ilagan, Gamu, Sto. Tomas, Delfin Albano, at Quirino sa lalawigan ng Isabela Brgy. San Agustin East, Agoo, La Union |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses