Hiligaynon

 

Hiligaynon

          Hiligaynón ang tawag sa wika ng grupong Hiligaynón na naninirahan sa kanlurang Visayas partikular sa lalawigan ng Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, at Negros Occidental. May ilan ding nagsasalita nitó sa Negros Oriental, Sultan Kudarat, at Timog Cotabato sa Mindanao. 

          Hiligaynón ang tawag ng grupo sa kanilang wika samantalang tinatawag naman ng mga tagalabas ang kanilang wika na Panayáno. Ilonggo naman ang tawag sa mga táong nagsasalita ng wikang ito. Bukod sa Hiligaynón, ginagamit din ng mga Ilonggo ang wikang Filipino at Ingles sa pakikisalamuha sa mga hindi katutubong Ilónggo, gayundin sa paaralan.

Pangalan ng Wika Hiligaynón
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Ilónggo
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Ilónggo
Sigla ng Wika Ligtas (Salik 3) 
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Central Philippine, Bisayan, Central, Peripheral
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 8,608,191 (PSA 2020 Census of Population and Housing
 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika   1,933,512 (PSA 2020 Census of Population and Housing
Lokasyon

Iloilo
Capiz
Guimaras
Negros Occidental
Sultan Kudarat
South Cotabato
Sofronio Española at Rizal (Marcos), Palawan

Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses