Hátang Kayê
Hátang Kayê
Hátang Kayê ang tawag sa katutubong wikang sinasalita ng mga Remontádo na matatagpuan sa lalawigan ng Rizal partikular sa Minanga Sentro, Sityo Sari, Sityo Labnu, at Sityo Paimuhuan ng Barangay Lumutan sa bayan ng General Nakar, Quezon; Sityo Nayon at Sityo Kinabuan ng Barangay Santa Ines sa bayan ng Tanay, Rizal.
Nása kalagayang malubhang nanganganib ang wikang ito sapagkat iilang matatandang miyembro na lámang ang nagsasalita nito sa komunidad. Tagalog na ang wikang ginagamit ng kabataan sa loob ng tahanan at sa paaralan.
Pangalan ng Wika | Hátang Kayê |
Iba pang tawag sa wika (alternate names) |
Sinauná |
Pangkat na gumagamit ng wika | Dumágat-Remontádo |
Sigla ng wika | Tiyak na nanganganib (Salik 1) |
Klasipikasyon | Central Luzon |
Mga kilalang wikain (dialects) | |
Populasyon |
25,608 (NCIP Calabarzon 2022) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika |
629 pamilya (NCIP Calabarzon 2022) |
Lokasyon |
Brgy. Sta Ines, Brgy. Daraitan, Brgy. Sampaloc, Brgy. Cuyambay, Brgy. Sto. Niño, Brgy. Tinucan, Brgy. San Andres, Brgy. Mamuyao, Brgy. Laiban, at Brgy. Cayabu sa Tanay, Rizal Brgy. Lumutan, Brgy. Umiray, Brgy. Sablang, Brgy. San Marcelino, Brgy. Minahan Sur, Brgy. Magsikap, Brgy. Maligaya, Brgy. Canaway, at Brgy. Pagsangahan sa General Nakar, Quezon Brgy. Calawis at Brgy. San Jose sa Lungsod Antipolo, Rizal Brgy. Puray; Brgy. San Isidro; at Brgy. San Rafael sa Rodriguez, Rizal Brgy. Maly at Brgy. Pintong Bocawe sa San Mateo, Rizal |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses