Hamtikánon

 

Hamtikánon

          Hamtikánon ang tawag sa wika ng grupong Áti na naninirahan sa lalawigan ng Antique, partikular sa Barangay Tina sa bayan ng Hamtic at sa mga bayan ng Valderama at Laua-an. Hamtikánon ang unang wikang natututuhan ng mga batàng Hamtikanon sa loob ng kanilang komunidad hanggang sa sila’y makapag-aral at matuto ng Filipíno at Inglés sa paaralan. Sa paaralan din, kung hindi man sa komunidad, natututuhan ng mga Áti ang wikang Kinaráy-a na lingua franca sa lugar.

Pangalan ng Wika Hamtikánon
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names)
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Ati
Sigla ng Wika Malubhang Nanganganib (Salik 3) 
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Central Philippine, Bisayan
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 7,177 (PSA 2020 Census of Population and Housing
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika  21 (PSA 2020 Census of Population and Housing
Lokasyon Bayan ng Hamtic, may mangilan-ngilan ding nagsasalita sa bayan ng Valderama at Laua-an, lalawigan ng Antique 
Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses