Gubatnón Mangyán

 

Gubatnón Mangyán

          Gubatnón Mangyán ang parehong tawag ng mga katutubong Gubatnón Mangyán sa kanilang sarili at sa wikang kanilang sinasalita. Matatagpuan silá sa bayan ng Magsaysay sa lalawigan ng Occidental Mindoro. 

          Tagálog ang lingua franca sa lalawigan ng Mindoro kayâ ito ang pangalawang wikang natututuhan ng mga Gubatnón Mangyán. Ang wikang ito rin ang ginagamit niláng wika sa pakikisalamuha sa mga hindi Gubatnón Mangyán. Ginagamit naman na wikang panturo ang Filipíno at Inglés sa mga paaralan bagaman hindi lahat ay nakakapagsalita ng Inglés at tanging ang mga nakapag-aral lang ang marunong nitó.*

*datos mula sa isinagawang dokumentasyon ng KWF noong 2017

Pangalan ng Wika Gubatnón Mangyán
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names)
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Gubatnón Mangyán
Sigla ng Wika Matinding nanganganib (Salik 1) 
Klasipikasyon Greater Philippine, South Mangyan
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 2,215 (PSA 2020 Census of Population and Housing
 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika   202 (PSA 2020 Census of Population and Housing)
Lokasyon

Brgy. Pumaga, Magsaysay, Occidental Mindoro 

Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses