Filipíno
Filipíno
Ang Filipíno ay ang pambansang wika ng Pilipinas. Ito ang opisyal na wika ng bansa bukod sa wikang Ingles. Ito ang katutubong wika ng karamihan sa Metro Manila, Pambansang Punong Rehiyon, at iba pang urbanisadong lugar sa bansa. Ito rin ang unang wika ng tinatáyang mahigit sa 28 milyong Pilipino at pangalawang wika naman ng mahigit 45 milyong Pilipino.
Sa kapasiyahan Blg. 13-39, s. 2013 ng Lupon ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, ibinigay ang kahulugan ng Filipino na: “Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon sa pabigkas at pasulat na paraan ng mga pangkating katutubo sa buong kapuluan. Sapagkat isang wikang buháy, mabilis itong pinauunlad ng araw-araw at iba’t ibang uri ng paggamit sa iba’t ibang pook at sitwasyon at nililinang sa iba’t ibang antas ng saliksik at talakayang akademiko ngunit sa paraang maugnayin at mapagtampok sa mga lahok na nagtataglay ng mga malikhaing katangian at kailangang karunungan mula sa mga katutubong wika ng bansa.”
![](https://kwf.estatoora.com/wp-content/uploads/2023/12/031_Filipino_new_PNG-9.png)
Pangalan ng Wika | Filipíno |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Wíkang Pambansâ |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Pilipino/Filipino |
Sigla ng Wika | Ligtas (Salik 3) |
Klasipikasyon | |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 109,035,343 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 16,391,937 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon | Ginagamit sa buong Pilipinas |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
*Ang bilang ng populasyon at sambahayang nagsasalita ng Filipino ay mula sa R1- BARMM maliban sa R4A, R4B, at ilang lalawigan sa R-3. Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon sa pabigkas at pasulat na paraan ng mga pangkating katutubo sa buong kapuluan. Sapagkat isang wikang buháy, mabilis itong pinauunlad ng araw-araw at iba’t ibang uri ng paggamit sa iba’t ibang pook at sitwasyon at nililinang sa iba’t ibang antas ng saliksik at talakayang akademiko ngunit sa paraang maugnayin at mapagtampok sa mga lahok na nagtataglay ng mga malikhaing katangian at kailangang karunungan mula sa mga katutubong wika ng bansa (KWF Kapasiyahan ng Kalupunan ng mga Komisyoner Blg. 13-39, s. 2013). |
Responses