Chabacáno
Chabacáno
Chabacáno ang pangkalahatang tawag sa wikang creole na nagmula sa pinaghalong Español at isa o higit pang mga wika sa Pilipinas. Tinatawag din itong Philippine Spanish Creole (PSC) at sinasalita sa Lungsod Cotabato, Lungsod Zamboanga, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Lungsod Cotabato, Lungsod Davao, at Cavite.
Ang mga nagsasalita ng Chabacáno ay tinatawag ayon sa lugar na kanilang pinagmulan: Zamboangueño-Chabacáno para sa mga mula sa Zamboanga; Davaoeño- Chabacáno para sa mga nása Davao; Cotabateño-Chabacáno sa mga mula sa Cotabato; at Caviteño-Chabacáno para sa mga mula sa Cavite.
Isang varayti ng wikang ito ang Bahra na isang subdiyalekto ng varayting Caviteño-Chabacáno na sinasalita sa Ternate at Lungsod Cavite, partikular sa mga barangay ng Uno-Poblacion, Barangay Dos, Barangay Tres, at Barangay San Jose.
![](https://kwf.estatoora.com/wp-content/uploads/2023/12/029_Butuanon-1-scaled.jpeg)
Pangalan ng Wika | Chabacáno |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Chavacáno |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Zamboangueño, Cotabateño; Castellano, Caviteño, Ternateño |
Sigla ng Wika | Ligtas (Salik 3) |
Klasipikasyon | Creole |
Mga Kilalang Wikain (dialects) |
Zamboangueño (Chabacano de Zamboanga); Cotabateño (Cotabato Chabacano); Davaweño (Abakay Spanish, Davao Chabacano); Caviteño (Cavite Chabacano); Ternateño (Bahra, Ternate Chabacano) |
Populasyon |
408,762 (PSA 2020 Census of Population and Housing) Davawéño Chabacáno – 10,268 |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika |
106,375 na sambahayan (PSA 2020 Census of Population and Housing) Davawéño Chabacáno – 542 |
Lokasyon | Lungsod Isabela at Lungsod Lamitan, Basilan Lungsod Zamboanga Lungsod Cotabato Lungsod Davao Lungsod Cavite, Cavite Brgy. Poblacion I, Brgy. Poblacion II, Brgy. Poblacion III, at Brgy. San Jose sa Ternate, Cavite |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses