Bolináw

 

Bolináw

          Bolináw ang tawag sa wika ng mga Bolinawnón na nanininirahan sa Isla ng Anda at mga barangay ng Binabalian, Concordia, Dewey, Germinal, Goyodin, Lucero, Luciente 1st, Luciente 2nd, Liwa-Liwa, Pilar, Salud, at Victory sa bayan ng Bolinao, Pangasinan. 

          Bolináw ang unang wikang natututuhan ng mga katutubong Bolinawnón, kasunod ang wikang Ilokáno na lingua franca sa rehiyon. Natututuhan din nilá ang Filipíno at Inglés na ginagamit na mga wikang panturo sa paaralan.

Pangalan ng Wika Bolináw
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Bolináo Sambál, Binóbolináo
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Bolináwnon
Sigla ng Wika Di-ligtas (Salik 3)
Klasipikasyon Gitnang Luzon, Sambalic
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 76,860 (PSA 2020 Census of Population and Housing)
 Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika   9,421 (PSA 2020 Census of Population and Housing)
Lokasyon

Brgy. Binabalian, Brgy. Concordia, Brgy. Dewey, Brgy. Goyoden, Brgy. Lucero, Brgy. Luciente 1st, Brgy. Luciente 2nd, Brgy. Liwa-Liwa, Brgy. Pilar, Brgy. Salud, at Brgy. Victory sa Bolinao, Pangasinan

Anda, Pangasinan

Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses